li•mí•mot : abaloryong ku-wintas na pambabae, mahabà at makapal, at gawâ sa mga butil na kulay pulá, putî, at itim.
lí•mit 1: dami o bílang ng pag-uulit ng isang pangyayari sa loob ng isang takdang panahon o sa isang hatag na halimbawa 2: pagkakadikit-dikit at kapal gaya ng buhok, damo, at katulad
li•mi•tá•do 1: may hangga-han o takda 2: kung sa kompanya, pag-aari ng mga istakholder at may takda ang bawat isa sa pagbabayad ng utang ng kompanya
Lí•mi•téd : tinutukoy ang isang kompanya na ang mga may-ari ay responsable lámang sa mga utang nitó hanggang sa maaa-bot ng puhunang inilagay nilá sa pangalan ng kompanya
lim•lím 1: pag-upô at paglukob ng inahing manok at mga kauri sa mga itlog upang mainitan at mapisâ ang sisiw 2: dapithapon 3: eklípse.
li•mò 1: pagpapasayá sa usapan 2: panlilinlang sa pamama-gitan ng pagkuha ng isang bagay na pag-aari ng isang tao.