lí•na 1: palipat-lipat na pag-aani ng palay sa iba’t ibang bukirin 2: pagkakalat ng dahon, dayami, at damo upang takpan ang lupa.
li•na•hís•ta : tao na nagsisiyasat at nag-uulat tungkol sa pinagmulan ng angkan bílang sangay ng isang karunungan.
li•náng 1: lupa na ma-linis na at maaaring tamnan; bukid o pinitak na nakahanda nang tam-nan 2: anumang maganda at makináng, katulad ng bagay na pinahiran ng barnis 3: magandang balát 4: luad 5: pagpapaunlad sa kala-gayan ng isang bagay o katangian