lá•gak 1: pag-iiwan ng isang bahagi ng kabuuan o pag-iiwan ng isang bagay bílang palatandaan 2: habílin 3: deposito sa bangko 4: lámon.
la•gá•kan 1: sinumang pinaghabilinan o pinag-iwanan 2: gusali o pook na pinaglalagakan o pinag-iimbakan
la•ga•lág : walang permanenteng tahanan at palipat-lipat sa iba’t ibang pook; mahilig maglibot o maglakbay kahit saang dako
la•gá•nas : tunog ng bumabagsak na punò kapag naputol o pinutol, o tunog ng tumatakbo sa palumpungan.