la•ga•pák : tunog ng isang bagay na biglang bumagsak, ipinalò, o inihampas sa isang bagay na matigas o lapad
la•ga•rì : anumang kasangka-pang may ngipin ang talim at gina-gamit sa pagputol ng kahoy, bakal, at katulad
lá•gas 1: maramihang pagkatanggal o pagkapigtal, karaniwan ng hibla, dahon, buhok, at katulad 2: pagkalipol ng maraming tao 3: binhi1 4: matigas na balát , ng prutas, hal lágas ng píli, lágas ng mani 5: matigas na bahagi ng bungo.
la•gáw : katamtaman ang laking isdang-alat at kapamilya ng bitilya (Monotaxis grandoculis), pinilakan ang kaliskis, malaki ang matá, at sapád ang nguso