lu•kí•luk : ibong (Pycnonotus urostictus urostictus) may maikling balahibo sa tuktok ng ulo at napalilibutan ng dilaw na lambi ang gilid ng matá
luk•lák : ibong (Pycnonotus goiavier goiavier) guhitán, batikang putî ang itaas na bahagi ng matá, at karaniwang makikíta sa halámanan
lúk•luk 1: uri ng kuwago (Ninox philippensis) na bilóg ang ulo at batík-batík na kayumanggi ang dibdib at bagwis 2: upô
lú•kob 1: pagsisilong o pagbibigay ng lilim, katulad ng ginagawâ ng inahing manok sa mga sisiw 2: pagkadapa nang nauuna ang mukha, o sa kaso ng manok, nauuna ang dibdib at nakabukás ang mga pakpak 3: bulate na may habàng 2.56 sm, karaniwang nananahan sa batuhán at ginagawâng kilawin