- lú•lopng | [ ST ]:pagpapabága ng bakal at biglaang paglulubog nitó sa tubig upang magkaroon ng sapat na tigas
- lu•lódpng | Ana | [ Seb Tag War ]:malakíng butó na kasáma ang balát at lamán na nása harapan ng binti, mula sa tuhod pababâ
- lú•logpng | [ ST ]1:punda ng unan2:anumang bagay na nakapagpapa-dingas o nakapagpapasiklab ng apoy
- lu•lóngpng:pagkasadlak sa isang gawain o kalagayang ipinagpapatuloy kahit ayaw
- lú•longpng | [ ST ]1:pagkawala sa ayos sa pagpila2:pagpapatiuna sa paggawâ o pagsasalita
- lú•lospng | Bot:uri ng punongkahoy na tuwid ang pagtubò at walang hugpungan
- lú•lospnd1:maglakad nang tuloy-tuloy2:magdaan o lumusot sa makitid na daanan nang walang-tigil o abála
- lu•lótpnr | Bot:labis na pagkahinog
- lu•lu•bú•nganpng | Ntk:katangan ng gaod
- lu-lú-ibpng | Zoo | [ Ifu ]:uri ng uwang (order Coleoptera) na maliit, kulay lupa, at may manipis na pakpak
- lu•mápnr | [ Kap Tag ]:pagbabawas ng volume o kantidad, karaniwan sa pagbayó, pagdikdik, pagnguya, at iba pa