lu•wás 1: paglalakbay nang pababâ o pabalik 2: pagtúngo sa siyudad mula sa lalawigan 3: pagdadalá ng kalakal sa ibang bayan o bansa 4: kalakal na dinadalá sa ibang óbansa
lu•wát 1: tagal ng panahon o oras 2: maitim na bilóg sa ilalim ng matá ng maysakít o ng hindi nakatulog
lú•way 1: pagyugyog ng hangin sa mga sanga, mga dahon, o mga balahibo ng ibon 2: pagsuray-suray hábang lumalakad 3: pagiging mabagal sa ginagawâ
lú•ya 1: halámang (genus Zingiber) tuwid at makinis, malamán at mabango ang ugat, sálítan ang mga biluhabâng dahon na matutulis ang dulo 2: bagal