lu•tò : paghahanda ng pagkain sa pamamagitan ng init ng apoy, gaya sa paglalaga, paghuhurno, at pag-iihaw
lu•tók 1: tunog ng patpat o ng sanga ng punò kapag napuputol 2: pagpapatuyô ng palay sa pamamagitan ng pagbilad sa araw
lú•tos : uri ng parasitong naninirahan sa tubig at sumisirà sa tuod o anumang kahoy na nakabábad sa tubigan
lu•tu•ád 1: yugto sa pagitan ng bagong buwan at ng kalahatian ng buwan 2: laki at káti ng dagat tuwing tagsiból
lu•tu•án 1: kasang-kapang ginagamit sa pagluluto, gaya ng palayok, kaserola, at iba pa 2: kalan1,2 3: kusina