la•lag•yán : anu-mang bagay, tulad ng kahon o bote na naglalamán ng nais itago, ingatan, at pangalagaan
la•lá•ki 1: sex na nakabu-buntis o nakakapagdulot ng bunga sa pamamagitan ng pertilisasyon o inseminasyon 2: halámang nagtataglay lámang ng bulaklak na hindi nagdudulot ng bunga o binhi 3: disenyong lapat sa bahaging babae 4: pormal o akti-bong prinsipyo ng kosmos 5: kaapid ng babae.
la•la•mú•nan : bahagi ng leeg mula sa dakòng loob ng bibig sa ibabâ ng babà hanggang sa itaas ng dibdib na kapantay ng balagat
la•láng 1: likhâ1 2: dayà 3: kapangyarihan 4: bantulot o pagbabantulot 5: pagtuturo sa pamamagitan ng halimbawa.
lá•lang 1: súpil1-3 o pagsupil 2: pagpapainit sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw o pagdarang sa apoy.
la•lán•say : pinakamalapad na tela, kasinghabà ng maman-diyang, dalawang metro ang lapad, at isinasabit sa ibabâ ng sambira.
la•lár 1: pagkabasag ng agos ng tubig mula sa pagdaan sa ilalim ng harang 2: patuloy na pagkasira ng isang bayan dahil sa pag-alis ng mga tao túngo sa ibang lugar.
la•lás 1: tastás 2: nabakbak ang balát ng katawan 3: nalagas ang dahon sa tangkay 4: natanggal ang bubungan ng bahay.