lá•mad 1: estrukturang tulad ng kumot, malambot, at nagsisilbing hanggahan, hati, o panloob na rabaw sa organismo 2: malambot at manipis na balát at iba pang katulad na estrukturang manipis
la•mák 1: pagkakalat o paglalatag sa lupa, katulad ng paglalatag ng damo kapag may pagdiriwang 2: paghahati-hati sa pagkain upang ilagay sa mga plato 3: kaugnay ng sinundang kahulugan at sa diwang matalinghaga, kasaganaan
la•mán 1: malambot na substance ng hayop o katawan ng tao, kasáma ang masel at taba 2: karne 3: nilalamán1 4: labis na paghahangad sa kamunduhan.
la•mán•dá•gat : anumang bagay o nilaláng na nagmula at nilikha sa dagat, gaya ng damong-dagat, isda, sigay, at iba pa.