lan•dás 1: daan1, makitid at karaniwang para sa naglalakad lámang 2: kadulasan o pagiging madulas 3: footpath.
lan•dáy 1: balangkas o rabaw na nakakurba palabas, gaya ng eks-teryor ng anumang bilóg o espero 2: pansamantalang kubo para sa isang gabi 3: tao na isinílang at lumaki sa bundok.
lan•dî 1: tawag sa babaeng magaslaw kumilos at may saloobing mapanukso o mapang-akit 2: babaeng hayop na nag-hahanap ng katalik o sex
lán•ding 1: palapagan ng eroplano 2: paraan ng paglbabâ o paglapit sa lupa 3: sa sinaunang lipunang Bisaya, multo o aparisyon.
lan•dók 1: mahabàng piraso ng kahoy na may bakal sa isang dulo at ginagamit na pantikwas ng mabigat na bagay 2: bákal 3: uri ng palay na matagal mahinog at putî ang butil.
lan•dóng 1: piraso ng tela na ginagamit na talukbong o takip ng kama o bandera 2: pa-nandaliang lagnat 3: malala-máng tissue na naiiwan pagkatapos ng amputasyon 4: malala-máng tissue na naiiwan pagkatapos ng amputasyon
lan•dóy 1: galaw ng mga súso ng babae kapag tumatakbo 2: paglawit ng bunga ng halámang baging na nása balag 3: tela o damit na hindi pantay ang laylayan