landscape (lánds•keyp) 1: paisahe 2: a uri ng pintura na naglalarawan nitó b larawan ng tanawing ito 3: sa paglilimbag, pa-haláng na oryentasyon ng papel
landslide (lánd•is•láyd) 1: pagguho ng lupa mula sa mataas o matarik na pook 2: sa eleksiyon, pagdagsa ng boto ng nanalong kan-didato
la•né•te : malaki-laking pu-nongkahoy (Wrightia pubescens) na 30 m ang taas, may mga dahong habilog, at may kahoy na ginagamit sa konstruksiyon, lapis, kasangkapang pangkusina, at katulad
la•ngá 1: pagkain o pag-inom nang ipinapasok ang ulo sa sisidlan 2: pagkaligaw o pagkawala, gaya ng kalapating hindi makabalik sa pinanggalingan 3: pangkó 4: lingá1.
la•ngâ : isdang-alat na kahugis ng malakapas ngunit higit na matigas ang kaliskis, lamán, at palikpik, humahabà nang 5 sm at 2.54 sm ang lápad.
la•nga•ká•pan : kawayang papag na ginagamit sa paghahatid ng maysakít sa manggagamot o ng patay sa libingan.