lang•káp 1: dalawa o mahigit pang bagay na pinagsáma, gaya ng dalawang himaymay na pinag-pares upang habihin 2: elemento, bagay, o bahaging pinagkakabitan ng isa pang bagay
lang•ká•pan 1: pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at dalawa o higit pang sugnay 2: kawayang higaan na ginagamit ng mga taga-Panay noon sa pagbubu-hát ng patay
lang•ka•wás 1: mataas na palumpong (Alpinia zerumbet) na tíla kawayan, putî at kulay kahel ang bulaklak na may bahid na puláng guhit, at makintab ang ubod 2: yerba (Languas pyramidata) na pampalasa ng pagkain ang muràng sanga at bulaklak 3: uri ng ilahas na luya.
lang•káy 1: kumpol ng mga bunga 2: kawan, karaniwang tumutukoy sa mga ibon 3: pagpapasok ng isang bagay 4: pagkuha nang walang pag-iingat o hinahon.
lang•ká•yan 1: higaan na may bitbítan at ginagamit sa pagdadalá ng maysakít 2: patungan ng mga imahen
lang•kín : bagting na yarì sa bitu-ka ng hayop, lalo na ng tupa, at ka-raniwang ginagamit sa biyolin o bú-sog.