lang•hál 1: pagdadamit sa batà ng kasuotang pangmatanda 2: pagtawag ng pan-sin sa anumang hindi kailangan o hindi wasto
la•ngî 1: maging tuyo ang mga sanga 2: madurog ang malalambot sa mga tanim 3: maglahong bigla 4: mag-pútol o putulin
la•ngís 1: malabnaw at malinaw na sustansiyang nakakatas sa niyog at ginagamit na lubrikante, pamahid sa buhok, pampaningas sa ilawán, at iba pa 2: dinalisay na krudo 3: panunuyò sa isang tao upang mapagbigyan
lá•ngit 1: rehiyon sa atmospera at sa kalawakang makikíta mula sa Earth 2: sa Kristiyanismo, tahanan ng Diyos at ng mga ang-hel 3: luwalhati.
lá•ngit-lá•ngit : malapad na káyo o papel na inilalagay na tíla kisame sa sasakyan, kapilya, katre, at iba pa at kinakabitan ng mga palamuti
la•ngít-lan•gí•tan 1: pansamantalang habong o silungan, karaniwang yarì sa tela 2: tawag din sa kámang may ganitong yarì
lang•kâ : punongkahoy (Artocarpus heterophyllus) na makintab ang lungting dahon, at may bungang oblong na 60 sm ang habà at kulay lungti na nagiging dilaw kapag nahinog, may bukól-bukól na balát, at malinamnam ang mahimaymay na lamán