ma•gá•lang 1: may respeto sa nakatatanda 2: kumikilála at tu-matanggap sa katwiran at karapa-tan ng iba
Magallanes, Fernando (ma•gal•yá•nes fer•nán•do) : (1480-1521) pinunò ng mga manlalayag na Espanyol na dumaong sa Filipinas noong 1521
ma•gá•long : sa sinaunang lipu-nang Bisaya, puláng turban na sagi-sag ng katapangan ng mandirigmang nakapatay na ng kaaway
mag-a•nák 1: mag-silang ng sanggol 2: maging ninong o ninang sa binyag, kumpil, kasal, at iba pang pagdiriwang
mag-á•nak 1: ang magulang at mga anak bílang isang pangkat 2: batayang yunit ng lipunan 3: magkakauri at magkakaisang pangkat gaya ng sa wika, hayop, haláman, at iba pa