mag•ká- 1: pambuo ng pangnga-lan, nagsasaad ng relasyon ng dala-wang tao, bagay, at katulad hal mag-kasáma, magkapatid, magkababayan 2: pambuo sa pandiwa, nagpapakíta ng katangiang mangyari, maganap, o magkaroon, hal magkabisà, magka-anak
mag•káng- : pambuo ng pandi-wa, inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat at nagsasaad ng hindi karaniwang pangyayari sa tauhan na nagiging dahilan upang maging palayón ang pandiwa, hal magka-nghuhulog
mag•ma•la•kí : magpahayag o magpakíta ng pag-papahalaga; ipagparangalan ang isang katangian o pag-aari
mag•ma•ma•nók : tao na may kakayahang magbabalâ ng masamâng maaaring mangyari sa pamamagitan ng ibon, ahas, dagâ, atbp
magna carta (mág•na kár•ta) 1: legal na garan-tiya ng mga karapatan at kalayaan 2: anumang batayang konstitusyon o batas