- miles per galon (mayls per gá•lon)png | Mat | [ Ing ]:konsumo ng isang galong gasolina sa mga tinakbong milya ng sasakyan
- milestone (máyls•town)png | [ Ing ]1:bato na inilagay sa gilid ng daan bílang marka ng isang milya2:pangya-yari o yugto sa búhay, kasaysayan o proyekto na makahulugan
- mil•fló•respng | Bot | [ Esp mil-flores ]:palumpong (Hydrangea macro-phylla) na may malalakí, kumpol ang bughaw, pink, o puláng bulak-lak, at nabubúhay sa malalamig na pook
- milfoil (míl•foyl)png | Bot | [ Ing ]:tuwid na yerba (Achillea millifolium), 60 sm ang taas, putî ang bulaklak, ka-tutubò sa Europa at itinatanim nga-yon sa Cordillera
- mí•lipnt | [ Bik ]:dáhil; sapagkát
- miliámpere (mi•li•ám•pir)png | Mat | [ Ing ]:isa sa sanlibong bahagi ng ampere
- mi•li•grá•mopng | Mat | [ Esp ]:isa sa sanlibong bahagi ng gramo
- mi•li•lít•ropng | Mat | [ Esp ]:isa sa sanlibong bahagi ng litro
- mi•li•mét•ropng | Mat | [ Esp ]:isa sa sanlibong bahagi ng metro
- mi•lí•pitpnd | [ ST mang+pilipit ]:tini-pil na mamilípit
- mi•lís•yapng | Mil | [ Esp milicia ]1:sibilyan na itinalaga sa serbisyong militar2:agham ng pakiki-digma3:kalalákihan na maaaring italaga ng batas na mag-sundalo
- mi•lis•yá•nopng | Mil | [ Esp miliciano ]:Esp miliciano
- mi•lítpng | Bot | [ ST ]:punongkahoy na hitik sa bunga
- mí•li•tántpnr | [ Ing ]:aktibong nakik-ilahok sa isang simulain
- mí•li•tántpng | [ Ing ]1:tao na kasáma o tumatangkilik sa mga gawain at isyung pampolitika2:tao na kasá-ma sa digma
- mi•li•tárpng | Mil | [ Esp ]1:hukbong-sandatahan ng isang bansa2:kasapi sa hukbong-sandatahan