mig•ras•yón 1: sa mga ibon, isda, o ibang hayop, paglipat mula sa isang rehiyon o panahanan tungo sa iba, lalo na kung ginagawâ alinsunod sa pag-babago ng panahon 2: pandadayuhan
migrate (máy•greyt) 1: umalis sa isang pook at tumungo sa isa pa 2: sa mga hayop lalo na ang ibon o isda, lumipat ng tirahan dulot ng pagbabago ng panahon 3: kumilos ayon sa galaw ng mga natural na puwersa
mik•rób•yo : mikroorganismong karaniwang nagdudulot ng karamdaman at nakikíta lámang sa pamamagitan ng mikroskopyo
mik•ro•kós•mo 1: halimbawa o kinatawan ng isang bagay, karaniwang maliit 2: ang sangkatauhan bílang sentro ng uniberso 3: anumang bagay o komunidad na tinitingnan sa ganitong paraan