magna cum laude (mág•na kum láw•de) : ang pangala-wang pinakamataas na karangalan sa pagtatapos sa kolehiyo
mag•ne•tís•mo 1: penomenang magnetiko at ang mga pag-aaral ukol dito 2: ang katangian ng paglikha ng mga penomenang ito
mag•ni•pá•yer 1: tao o kasangkapan na nagpapalak 2: lente o kombinasyon ng mga lente na nagpapalakí sa tinitingnan, hal magnifying glass
mág•ni•túd 1: dakilang lakí o luwang ng isang bagay 2: dakilang kabuluhan 3: súkat ng relatibong ningning ng mga bituin at iba pang lawas pangkalawakan
magnolia (mag•nól•ya) 1: punongkahoy (Magnolia gran-diflora) na inaalagaan dahil sa maitim na lungting dahon at ma-lalakí, putî, at mabangong mga bulaklak kapag tagsibol, katutubò sa Estados Unidos 2: kulay gatas