- mis•yón, mís•yonpng | [ Esp mision Ing mission ]1:a partikular na gawa-in o hangaring itinakda sa isang tao o pangkat b c paglalakbay na isinasagawâ bílang bahagi nitó2:operasyong militar o si-yentipikong pag-aaral para sa isang layunin3:pangkat ng mga tao na ipinadalá sa ibang bansa upang makipagkasundo4:a kalipunan ng mga tao na ipinada-lá upang palaganapin ang isang adhikaing panrelihiyon b larang ng isang gawain c misyonerong samahan d partikular na panahon ng panga-ngaral, serbisyo, at katulad na isina-sagawâ ng isang parokya o pamaya-nan
- mis•yo•né•ropng | [ Esp misionero ]:ta-o na inatasang magpalaganap ng isang misyong panrelihiyon
- mí•taypng | Bot | [ ST ]:uri ng palay
- mite (mayt)png | [ Ing ]:kulisap na may apat na pares ng paa kapag tigulang na, may kapamilya ng garapata
- mite (mayt)pnr | [ Ing ]1:maliit, kung sa batà o sa hayop2:kaunti, kung sa bílang
- mit•hîpng1:anumang pinapangarap na makamit o maganap2:huwarang si-mulain
- mit•hîpnr | [ ST ]:tahimik dahil galít
- mí•tigpng | Med:pama-manhid ng paa o kamay, o iba pang bahagi ng katawan dahil sa pagod, tensiyon o matagal na pag-upô o pagtayô at hindi pagkilos
- mi•tí•mitpnr | [ Ilk ]:pihikan, karani-wan sa pag-inom ng alak
- mí•topng | [ Esp ]1:kuwento hinggil sa di-pangkaraniwang nilaláng o pangyayari, mayroon man o walang batayan2:anumang imben-tong idea o konsepto3:hindi mapatunayang kolektibong paniniwala na tinatanggap bílang totoo kahit walang pagsusuri4:likhang-isip na tao o bagay
- mi•tó•lo•hí•yapng | Lit | [ Esp ]1:agham o pag-aaral hinggil sa mga alamat at mito2:aklat hinggil sa mga alamat at mito3:kalipunan ng mga alamat at mi-to
- mi•tó•sispng | Bio | [ Ing ]:uri ng pagka-kahati ng cell, na nagbubunga ng dalawang cell at may magkatulad na bílang at uri ng mga chromo-some na kagaya ng pinanggalí-ngang nukleus
- mít•rapng | [ Esp ]:opisyal na putong ng obispo na hugis arko