Misámis Occidental (mi•sá•mis ók•si•den•tál) : lalawigan sa hilagang Mindanao ng Filipinas, Rehiyon X
miscarriage (mis•ká•reyds) 1: kusang pagkalaglag ng sang-gol, karaniwang bago ang ikadala-wampu’t walong linggo ng pagbu-buntis 2: ang pagkabigong maabot ang kaganapan o pagtatapos 3: ang pagkabigong maratíng ang pupun-tahan o anumang destinasyon
miscegenation (mi•sí•dye•néy•syon) : paghahalò-halò ng lahi, gaya ng putî sa itim, o putî sa kayumanggi
miscellanéous (mí•si•léyn•nyus) 1: binubuo ng sari-saring bagay 2: may iba’t ibang katangian o aspekto
miscellany (mí•si•la•ní) 1: sari-saring bagay 2: aklat na naglalamán ng isang koleksiyon ng mga kuwento, komposisyong pam-panitikan, at iba pa
mischief (mis•tsíf) 1: ma-pagbiróng panggugulo at pagsuway sa tuntunin, lalo na sa mga batà 2: pagbibiro na may layuning manuk-so o mang-uyam o lumikha ng gulo
misdemeanor (mís•di•mí•nor) 1: sála1 o pagkakasála 2: pagkakasálang maisasakdal ngunit hindi kasimbigat ng felony
mise en scene (mis•ón•sen) 1: ang mga eksena at katangian ng isang dula 2: ayos o kaligiran ng isang pangyayari