- ma•hi•wa•gàpnr | [ ma+hiwagà ]:may hiwagà o punô ng hiwagà
- ma•hi•yá•inpnr | [ ma+hiya+in ]:kung sa tao, hindi tahasang nakikihalubi-lo; kung sa hayop, hindi palaanak; kung sa haláman, hindi gaanong na-mumunga
- mahogany (ma•ho•gá•ni)png | [ Ing ]1:uri ng matigas na punongkahoy (Swietenia Mahogani at S. macro-phylla) na mamulá-muláng kayu-manggi ang kulay ng kahoy, katutu-bò sa tropikong Amerika at West In-dies at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Amerikano2:ang kahoy nitó3:anumang punongkahoy na kauri ng nabanggit at ang kahoy nitó
- mahogany (ma•ho•gá•ni)pnr | [ Ing ]:kulay na mamulá-muláng kayu-manggi
- ma•hú•saypnr | [ ma+husay ]1:punô ng husay2:nása ayos
- ma-ipng | [ ST ]:salita na may lamán, hal “May maing wika.”
- Má•ipng | Heg:sinaunang pangalan ng pulo ng Mindoro sa sinaunang rekord ng Tsina
- Maia (má•ya)png | Mit | [ Gri ]:anak na babae ni Atlas at ina ni Hermes
- maiden (méy•den)png | [ Ing ]1:batàng babae2:babae na hindi pa nagka-karoon ng karanasang seksuwal3:kabayo na hindi pa nananalo sa karera
- maidenhair fern (méy•den•heyr fern)png | Bot | [ Ing ]:kulantrílyo de-alámbre
- maid-of-honor (meyd ov ó•nor)png | [ Ing ]:pangunahing babaeng ábay2
- ma•ik•lîpnr | [ ma+ikli ]:may katangian ng ikli