Ma•ra•náw : pangkating et-niko na matatagpuan sa paligid ng lawa ng Lanao at kapatagan ng Bu-kidnon at Lanao
má•rang : punongkahoy (Artocarpus odoratissimus) na hindi kalakíhan, sálítan ang makikintab na dahon, habilog ang bunga, at mala-mán ang pulp na may matinding a-moy, katutubò sa Filipinas at marami sa Mindanao
ma•rá•pat : angkop na katumbas sa laki, uri, o antas, hal marapat na bayad sa serbisyo, mara-pat na gantimpala sa uri ng produkto
má•ras : pag-aalay ng pagkain sa mga espiritung nanganga-laga sa mga pinutol na punongkahoy sa pagkakaingin