Már•duk : sa sinaunang Babilonya, ang pinunòng diyos na naging panginoon ng mga diyos ng langit at lupa matapos sakupin ang Tiamat
már•dyin 1: gílid1 2: ang blangkong hangga-han sa magkabilâng gilid ng papel at katulad 3: halaga ng panahon, salapi, at iba pa na kulang o sobra
mare (meyr) 1: anu-mang babaeng hayop na matanda na 2: a anumang bílang ng malawak na kapatagan sa rabaw ng buwan, na ipinalalagay na karaga-tan b katulad na pook sa planetang Mars
mar•ga•rí•na : produktong katulad ng mantekilya na gawâ sa dinalisay na langis mula sa gulay, kung minsan, hinahaluan ng tabâ at binabantuan ng tubig o gatas
marginal (már•dyi•nál) 1: hinggil sa o nakasulat sa mardyin 2: a hinggil sa gilid b walang-saysáy 3: hinggil sa minorya sa halalan 4: sa karagatan, malapit sa baybayin ng isang estado
Mariang Alimango (mar•yáng a•li• má•ngo) : pangunahing tauhan sa kuwentong-bayan na nakapag-asawa ng prinsipe