már•ke•tíng 1: pama-maléngke 2: kabuuan ng mga gawa-in na nakaaapekto sa paglilipat ng titulo o pagmamay-ari ng mga kala-kal mulang nagbebenta hanggang namimíli, kabílang ang anunsiyo, transportasyon, pag-iimbak, at pag-bibilí
Mark•sis•mó : ang pampolitika at pang-ekonomi-yang teorya batay sa mga isinulat nina Karl Marx at Freidrich Engels
mar•ló•tas 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, pang-ibabaw ng kasuotan, kahawig ng kamisa-dentro, ginagamit upang hindi marumihan ang panloob na damit 2: kamisón
mar•mól : matigas na bató na maaaring pakinisin at pakinta-bin, ginagamit sa eskultura at arki-tektura