ma•ta•ha•rì : isdang-alat (fa-mily Priacanthidae), may malakíng matá, nakausli pataas ang panga, palapad ang katawan, may maliliit ngunit magagaspang na kaliskis, may mahabàng palikpik sa likod na umaabot hanggang buntot
ma•tá-ma•tá 1: maluwang na paglála ng nilapát na kawayan o buho, karaniwang para gawing bakod o balag 2: isdang-alat na kahugis ng karaniwang bangus
ma•ta•mís-sa-bá•o : haleang gawâ sa katas ng tubó, karaniwang isinisilid sa biyak ng ni-yog, at kung minsan ay nilalahukan ng dinurog na mani at ibang pampalasa