ma•tan•dâ 1: a kung sa tao, nabúhay nang matagal na pa-nahon b hindi na kabataan 2: ginamit sa mahabàng panahon o nagpapakíta ng mga katangian ng gayong pagkagamit 3: nabibílang sa nakalipas
ma•táng-bá•ka 1: isdáng (Selar crumenophthamus) malakí ang matá 2: ibon (Pluvialis squatarola) na karaniwang matatag-puan sa dalampasigan at tangrib
ma•táng-dá•gat : maliit na isdang-alat (family Malacanthidae), patulis ang ulo, pahabâ ang katawan, maliliit ang kaliskis, at may palikpik sa likod hanggang buntot
ma•táng-du•lóng 1: isang uri ng yerba 2: uri ng maliit na ibon (family Zosteropidae) na may singsing na putîng balahibo ang paligid ng ma-tá
ma•táng-pu•sà 1: matáng kulay asul 2: uri ng maliit at bilugang batóng kulay lungtian na matatagpuan sa tabing-dagat