nár•ko•ti•kó : anu-mang uri ng substance na nakapag-mamanhid ng pandamá, nakapag-papaantok, at nakapagpapatulog
narrator (nar•réy•tor) 1: tao na nagsasalaysay 2: artista o taga-pagpahayag ng komentaryo sa pelikula, pangmadlang komunikasyon, at iba pa
nars 1: katulong ng doktor sa pagsasagawâ ng mga ga-waing pangmediko 2: tao na nag-aalaga ng maysakít at may ka-pansanan
nar•sí•song-di•láw : halámang (Thevetia peruviana) ornamental at medisinal na nakalalason sa isda ang katas ng bulaklak
narthex (nár•tex) : naka-sarang daánan sa pagitan ng pa-ngunahing pasukán at panggitnang pasilyo sa loob ng simbahan
narwhal (nár•wal) : maliit na butanding (Monodon mono-ceros) na mahabà at tuwid ang pangil kung laláki