nasturtium (nas•túr•syum) : gumagapang na haláman (Tro-paeolum majus) na may nakakaing bilóg na dahon at may bulaklak na dilaw, pulá, at matingkad na kahel
nas•yo•ná•li•sas•yón : proseso o bahagi ng ki-lusan sa nasyonalismo na nagrere-serba ng mga gawaing pangkabuhayan at oportunidad pangkalakalan sa mga mamamayan
nas•yó•na•lís•mo 1: pagiging makabansa 2: katapatan sa interes ng bansa 3: identipikasyon nang may pagmamalakí sa kultura at tradisyon ng bansa 4: pagnanasàng matamo ang pambansang pagsulong
ná•ta de coco (ná•ta de kó•ko) : malambot at parang helatinang pagkain na nabubuo sa pamamagi-tan ng pagburo sa tubig ng niyog