nee (ni) : isinilang, karaniwang ikinakabit sa pangalan ng babaeng may asawa upang ipakilála ang kaniyang pangalan sa pagkadalaga
neem (nim) : malakí-lakíng punongkahoy (Azadirachta indica) na kapamilya ng mahogany at may mga dahon at balát na nakagagamot, katutubò sa Burma at ilang bahagi ng India
ne•ga•tí•bo 1: pahayag, sagot, o kilos na kasalungat ng positibo 2: pag-ayaw at paghindi 3: simbolo ng subtraksiyon (-) 4: imahen sa film na ginagamit upang makagawâ ng retrato 5: karga ng elektrisidad; elemento ng voltaic cell
negative averment (ne•ga•tív a•vér• ment) : alegasyon na negatibo ang anyo ngunit positibo ang nilalamán o epekto, at kailangang magpatunay ang gumagawâ ng alegasyon
negative covenant (ne•ga•tív ko•ve• nánt) : probisyon sa isang kasunduan o kontrata na nag-babawal sa empleado na makipag-kompetisyon sa pook o pamilihan ng nag-empleo
negative easement (né•ga•tív ís•ment) : pagbabawal sa esta-dong maglingkod sa may-ari hinggil sa paggawâ ng bagay na maaari sana nitóng gawin alinsunod sa batas