ná•yon 1: maliit na pamayanan, isang bahagi ng isang bayan 2: báryo1 3: ang mga tao sa naturang pamayanan
Na•za•ré•no 1: Hesús 2: tawag ng mga Hudyo at Muslim sa Kristiyano 3: katutubò ng Nazareth 4: isa sa mga sinaunang sektang Hudyo na naging Kristiyano
Nazi (ná•tsi) 1: kasapi ng partidong National-sozialist sa Germany sa ilalim ni Hitler 2: panatikong tagasunod ng Nazism
Nazism (ná•tsi•zim) : mga doktrinang pinairal ng National-sozialist, kasáma ang totalitaryong gobyerno, kontrol ng estado sa lahat ng industriya, superyoridad ng isang lahi, at ganap na kapangyarihan ng fuhrer
Neanderthal man (ni•yan•dér•tal man) : tawag sa sinaunang kalansay ng lahing Homo sapiens na natagpuan noong 1856 sa Neander-thal, lambak sa kanlurang Germany