non-performing assets (nan per• fórm•ing ás•sets) : hindi kumikítang negosyo na pagmamay-ari at kontrolado ng pamahalaan o anumang institusyong pinansiyal
non-renewable resources (non re• nyú•wa•ból re•sór•ses) : anu-man sa mga likás na yaman, gaya ng langis, metal, bató, at mineral mula sa minahan at hindi maaaring mapa-rami sakali’t maubos
non sequitor (non se•ki•tór) : pahayag na nagsasaad na ang kongklusyon ay hindi sumusunod nang lohikal sa mga isinuhay na pangungusap
nonsuit (nán•sut) : pasiya laban sa naghabla dahil sa hindi pag-datíng ng kaniyang testigo sa hukuman o dahil sa hindi niya paghaharap ng ebidensiya
nontariff measure (non•tá•rif mé• syurs) : paghihigpit na ipinapataw ng bansa sa mga inaangkat na kalakal
nonverbal communication (nan•vér• bal kóm•myu•ni•kéy•syon) : komunikasyong hindi ginagamitan ng nakasulat at binibigkas na salita
nó•od : pagsubaybay sa paraan ng tingin sa isang pang-yayari o pagtatanghal, lalo na bílang paglilibang var panoód