ó•pe•rá 1: mahabàng komposisyon na inaawit sa saliw ng mga instrumento, karaniwang aria, koro, resitatibo, at may kasámang ballet 2: gusali sa pagtatanghal nitó
o•pe•ras•yón 1: a operación b proseso o metodo sa pag-o-opera sa katawan ng pasyente c ang pagsasagawâ ng prosesong ito d ba-hagi ng katawan na sumailalim sa naturang proseso 2: kalagayan ng pagiging aktibo o pro-duktibo 3: aktibong pro-seso sa pagsasagawâ o pagtupad ng gawaing pamamalakad 4: kampánya 5: transak-siyong pangnegosyo 6: proseso, tulad ng addition, multiplication, differentiation, at iba pa
o•pe•ras•yo•nál 1: maaaring paandarin o gamitin, tu-lad ng mákiná, sasakyan, at katulad 2: hinggil o nakiki-bahagi sa operasyong pangmilitar 3: hinggil sa operasyon o mga operasyon
operate (ó•pe•réyt) 1: kumi-los o magtrabaho; tuparin ang gawa-in 2: umandar, tulad ng mákiná; gu-mamit ng mákiná, aparato, at katulad 3: kumilos nang epektibo; gumamit ng lakas o impluwensiya 4: simulan o maging aktibo, tulad ng sa negosyo 5: mag-opera
operculum (o•pér•ku•lúm) 1: bahagi ng organ na nag-sisilbing takip, tulad ng pardilya ng butó ng haláman 2: takip sa ha-sang ng isda at amphibian
o•pe•réy•tor 1: tao na nagpapatakbo ng isang aparato, mákiná, at iba pa 2: tao na nagpapatakbo ng switchboard ng telepono, lalo na sa isang kom-panya ng telepono 3: tao na namamahala sa trabaho, es-tablisimyentong pang-industriya, o anumang sistema 4: simbolo upang ipahayag ang operasyong pangmatematika, hal x, +
ó•pe•rón : yunit ng mag-kakadikit na gene na pinaniniwala-ang kumokontrol sa ibang mga gene na lumilikha ng protina