• o•per•tór•yo

    1. 1:
      a
      sa simbahang Katoliko Romano, pag-aalay ng tinapay at alak sa Eukaristiya
      b
      awit hábang isinasagawâ ito
    2. 2:
      a
      paghahandog ng anumang bagay sa altar hábang isinasagawâ ang serbisyong pansim-bahan
      b
      pagkolekta ng salapi hábang isinasagawâ ang paghahandog
  • ophidian (o•fíd•yan)

    1. :
      uring reptil (suborder Serpentes) na binubuo ng mga ahas
  • Ophir (ó•fir)

    1. :
      sa Bibliya, re-hiyon na hindi tiyak ang lokasyon, maaaring timog Arabia o silangang baybayin ng Africa, pinanggagalingan ng ginto at batóng hiyas
  • Ophiuchus (ó•fi•yú•kus)

    1. :
      konstelasyon na kumakatawan sa tao na nililingkis ng sawá
  • ophthalmia (of•thál•mi•yá)

    1. :
      pamamagâ ng matá, lalo na sa mga lamad o bahaging panlabas
  • ophthalmo- (of•thál•mo)

    1. :
      pambuo ng pangngalan na nanga-ngahulugang matá
  • ophthalmoscope (of•tál•mos•kówp)

    1. :
      instrumentong pansuri sa retina at iba pang bahagi ng matá
  • opinionated (o•pín•yo•néy•ted)

    1. :
      may mayabang na tiwala kaug-nay ng sariling opinyon
  • opioid (ó•pi•yód)

    1. :
      anumang compound na katulad ng cocaine at morphine ang mga adik-tibong katangian o pisyolohikong epekto
  • o•pi•sí•na

    1. :
      silid o gusaling ginagamit para sa trabaho o negosyo
  • o•pis•yál

    1. 1:
      tao na hinirang o inihalal para sa isang po-sisyon o tungkulin, lalo na sa pama-halaan
    2. 2:
      tao na may awtoridad, lalo na sa hukbong sandatahan, navy, o katu-lad na organisasyon
    3. 3:
    4. 4:
      tao na may lisensiya upang pamahalaan ang operasyong pangkalakalan
  • o•pis•yál

    1. 1:
      tumutukoy sa isang opisina o tungkuling administratibo
    2. 2:
      awtorisado o binigyan ng awtorisasyon
    3. 3:
      hinirang o awtori-sado sa pagganap ng isang tungkulin
  • opium poppy (óp•yum pó•pi)

    1. :
      halámang poppy (Papaver som-niferum) na may bulaklak na kulay pink, pulá, at lila