Orpheus (ór•fi•yús) : makata at manunugtog na anak ni Calliope, at sinundan ang kaniyang kabiyak sa impiyerno
orphrey (ór•fri) : hiwalay na piraso ng tahi o bordang palamuti, karaniwan sa mga kasuotang ekles-yastiko
ortho- (ór•to) 1: pambuo ng pangngalan na nangangahulugang tuwid, rektanggular, o nakatayô, hal orthopedic 2: a hinggil sa dala-wang magkatabíng mga carbon atom sa ring ng benzene b hinggil sa mga acid at salt
orthochromatic (or•to•kro•má•tik) : sa potograpiya, nagbibi-gay ng katamtaman o relatibong in-tensidad sa mga kulay sa pamama-gitan ng pagiging sensitibo sa lahat ng kulay maliban sa pulá
orthoclase (ór•to•kléys) : ka-raniwang alkali feldspar na kadala-sang nakikiíta sa kristal na may iba’t ibang kulay at ginagamit sa seramika at paggawâ ng salamin
Orthodox Church (ór•to•dóks tserts) : Kristiyanong simbahan o pederasyon ng mga simbahang kumi-kilála sa awtoridad ng patriyarka sa Constantinople
Orthodox Judaism (ór•to•dóks ju•da• í•sem) : pangunahing sangay ng Hudaismo na nagtuturò ng ma-higpit na pagsunod at pagsasánay ng tradisyon nitó at interpretasyon ng kanilang batas
orthodoxy (ór•to•dók•si) 1: kalagayan ng pagiging wasto hinggil sa opinyon o doktrina 2: katangiang orthodox
orthogenesis (ór•to•dyé•ni•sís) : ebolusyon ng mga species sa isang tiyak na mga linya at naaayos o natitiyak ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga plasmang germ
orthognathous (or•tóg•na•tús) : sa mga mammal kabílang ang tao, may panga na hindi usli, at mukha na halos nása anggulong rekto