or•yen•tas•yón 1: aksiyon o proseso ng pagkilála o pagpapakilála 2: kakayahang ilugar ang sarili sa kaligiran, kaugnay ng panahon, pook, at kapuwa tao 3: pagpapakilála bílang gabay sa pag-angkop sa bagong kaligiran, aktibidad, empleo, at iba pa
oryx (ó•rix) : malakíng usa (Oryx beisa) ng Africa, abuhin ang kulay, may itim na batik, at may ma-habàng sungay
o•sá•na 1: dulang pansimbahan tuwing Ling-go de Ramos na nagtatampok sa pagdatíng ni Hesus sa Herusalem 2: hosanna
Oscar (ós•kar) : palayaw para sa isang gawad at estatwang iginagawad ng film academy sa United States
-ose (ows) 1: pambuo ng mga pang-uri na nangangahulugang punô, sagana, o katulad, hal otiose, verbose 2: pambuo ng pangalan ng sugar at iba pang mga carbohydrate, hal cellulose, sucrose