• ó•so

    1. 1:
      mammal (family Ursidae) na karaniwang omniboro, malakí ang katawan, may makapal na balahibo, maikling buntot, at halos sumayad ang katawan kung lumakad, ó•sa kung babae
    2. 2:
      anumang katulad na anyo, tulad ng koala
  • os•pi•tál

    1. 1:
      a
      institusyong nagbibigay ng medikal na pagkalinga at paggamot para sa maysakít o sa tao na nasakuna
      b
      gu-saling gamútan
    2. 2:
      katulad na pook para sa mga hayop
  • os•pi•ta•li•dád

    1. :
      magiliw na pagtanggap o pa-kikitúngo sa mga panauhin o kahit estranghero
  • ós•prey

    1. :
      malakíng lawin (Pandion haliaetus) na kulay kape ang likod, may putîng batík, at isda ang pangunahing kinakain
  • ossein (ó•sin)

    1. :
      collagen ng mga butó
  • ossicle (ó•si•kél)

    1. 1:
      maliit na butó, lalo na sa gitna ng tainga
    2. 2:
      maliit na piraso ng tíla butóng sub-stance
  • ossuary (ós•syu•wá•ri)

    1. 1:
      pook o sisidlan ng mga butó ng namatáy
    2. 2:
      yungib na katatagpuan ng sinaunang mga butó ng patáy
  • osteitis (os•ti•áy•tis)

    1. :
      pamamagâ ng mga substance ng butó
  • osteo- (os•tí•yo)

    1. :
      pambuo ng pangngalan na nangangahulugang butó
  • osteoarthritis (os•tí•yo•ar•tráy•tis)

    1. :
      pagkasirà ng kartilago ng mga kasukasuan, lalo na ng mga tao na nagbubuhát ng mabibigat, at ka-raniwang lumilitaw sa pagtanda