outgoing (awt•gó•wing) 1: mahilig lumabas ng bahay at maki-pagkaibigan 2: malapit nang magre-tiro 3: lumalabas o lumalayô
outgrowth (áwt•growt) 1: anumang pagtubò 2: natural na pro-seso ng paglakí 3: ang produkto nitó 4: dagdag na resulta
outing (áw•ting) 1: maikling panahon ng pagsasayá na may kasá-mang paglalakbay, karaniwang isang araw o bahagi ng isang araw 2: anu-mang maikling paglalakbay
outlaw (áwt•lo) 1: tao, pangkat, o bagay na hindi kabílang, o pinagkaitan ng mga benepisyo at proteksiyon ng batas 2: tao na paulit-ulit na lumabag sa batas
outlet (áwt•let) 1: paraan ng pagpapahayag o pagpapahiwatig ng damdamin, emosyon, at katulad 2: ahensiya, distributor, o tindahan ng mga kalakal 3: bútas o daanan na ni-lalabasan ng isang bagay 4: ba-hagi na pinagkukuhanan ng suplay ng koryente, karaniwan ng mga ka-sangkapang de-koryente.
outline (áwt•layn) 1: balang-kas, plano, o guhit 2: pa-ngunahin o tampok na nilalamán ng isang aklat, paksa, proyekto, at iba pa
outpost (áwt•post) 1: estasyong itinayô na malayò sa pa-ngunahing yunit ng hukbo upang protektahan o iwasan ang biglang sa-lakay ng mga kaaway 2: pangkat ng mga tao na nakadestino sa nasabing estasyon
output (áwt•put) 1: resulta o produkto ng isang proseso, lalo na sa produksiyon at sa mental o malikha-ing paggawâ 2: kantidad o halagang nalikha mula dito 3: a limbag o anumang resultang dulot ng compu-ter b proseso ng paglipat ng datos mu-la sa loob patúngo sa labas ng siste-ma ng isang aparato o kasangkapan 4: koryente o lakas na nalilikha ng isang mákiná o kasangkapang elek-troniko
outrage (awt•réydz) 1: ma-tinding gálit o samâ-ng-loob 2: matin-ding paglapastangan ng karapatan ng tao o ng batas 3: anumang sanhi ng ganitong damdamin