overcome (ó•ver•kám) 1: da-igin o sakupin sa isang labanán o tunggalian 2: manalo o magwagi la-ban sa isang pagtutol, protesta, tukso, at iba pa 3: sakupin ang katawan o isipan, hal ng alak, droga, o emosyon
overcompensate (ó•ver•kóm•pen• séyt) 1: labis na pagtumbas o pagbayad 2: sa psychoanalysis, magsumikap o magpunyagi upang balansehin at itago ang isang hindi katanggap-tanggap na katangian sa pamamagitan ng paghalili ng ibang katangiang salungat dito
ó•ver•dráft 1: dokumento o balangkas na labis ang balanse o la-bis ang halagang tinataglay 2: a sa bangko, labis ang kredito na nag-dudulot ng kakulangan sa isang par-tikular na account b ang halagang lumabis 3: labis na hiling sa isang bagay
overdue (ó•ver•dyú) 1: lumag-pas sa itinakda at inaasahang pana-hon 2: hindi pa bayad, kung sa utang; hindi pa iniluluwal, kung sa panga-nganak, at iba pa
overexposure (ó•ver•eks•pó•syur) 1: labis na pagkalantad sa araw, lamig, sinag, at iba pa 2: sa potogra-piya, pagkalantad nang matagal
ó•ver•flów 1: umapaw 2: du-maloy 3: lumampas sa hanggáhan ang pagbuhos 4: bumahâ sa isang pook o rabaw 5: mapunô; maging sagana
overhaul (ó•ver•hól) 1: suriin sa pamamagitan ng pagkokompone, pagbabago, at iba pa 2: alamin ang kondisyon 3: lampasán, tulad ng sa karera
overhead (ó•ver•héd) 1: ha-laga sa pagpapatakbo ng negosyo 2: bahagi ng gastusin sa operasyon ng negosyo, tulad ng renta, gasolina, kor-yente, at iba pa
overlay (ó•ver•léy) 1: anu-mang pahid na nagsisilbing patong sa isang bagay, hal pahid ng ginto 2: pagpapatong o paglalatag ng mali-naw na papel sa ibabaw ng larawan o likhang sining upang matukoy ang mga pagwawasto, instruksiyon, at iba pa
overlook (ó•ver•lúk) 1: hindi binigyang pansin; ipagwalang-bahala o pabayaan 2: tingnan ang isang taná-win o bagay mula sa higit na mataas na pook o posisyon 3: bantayan o pa-ngasiwaan
overpower (ó•ver•pá•wer) 1: daigin; sakupin 2: gamitan ng labis na lakas, kapangyarihan, o puwersa; lupigin 3: pahinain