pa•nak•lâ 1: tíla singsing na bakal na ikinakabit sa pu-luhan ng itak o lukob o katulad na kasangkapan upang hindi humiwa-lay ang talim 2: salapi na inilaan bílang pampusta sa sakla.
pa•nak•láng 1: tíla saklay o balungkos na inilalagay sa tuktok ng bubong para tumibay ito laban sa hangin 2: tíla saklay o balungkos na inilalagay sa tuktok ng bubong para tumibay ito laban sa hangin
pa•nak•lá•yan 1: piraso ng sungay o kahoy na may mga butas, na nakakabit sa ba-haging likuran ng baywang at gina-gamit na suksukan ng gulok 2: guwarnisyon.
pa•nak•lít 1: kasangkapang pantaboy o panghuli ng ibon, yari sa kawayang may lam-bat sa isang dulo 2: panyo na ikina-kabit ng mga babae sa ulo.
pa•nak•lóng : bantas ( ) na ginagamit upang ibukod ang salita, parirala, sugnay, pangu-ngusap at katulad na nagpapaliwa-nag sa isang kaisipan
pa•na•la•gá•dan 1: bande-hadong gawâ sa tanso 2: mala-king lusóng na gawâ sa kahoy at may hawakang pinalamutian.