pang-á•bay pang•gá•a•no : pang-abay na nagsasaad ng bílang sa dami at bílang sa halaga, hal “Siya ay halos kasintanda ko.”
pang-á•bay pan•lu•nán : pang-abay na kumakatawan sa lugar na pinang-yayarihan ng anumang bagay o gawain, hal “Si Rosa ay doon naglala-ba.”
pang-á•bay pa•nú•lad : uri ng pang-abay na gamit sa paghahambing at may antas panularan at panukdulan, hal “Magkasing-aga kaming matulog ni Manuel”.
pang-ag•dón 1: anumang ginagamit para matapos o makompleto ang isang bagay sa kabi-la ng suliranin o paghahabol sa pana-hon 2: anumang ginagamit upang maidaos ang isang pangangailangan hanggang sa dumating ang higit na mabuting panahon.