pang-a•móy : isa sa limang pandamá na ginagamit sa pag-alám ng amoy o anumang katu-lad sa pamamagitan ng ilong
pa•ngá•nay 1: pagiging buntis sa unang anak 2: unang anak ng mag-asawa at pinakamatanda sa lahat ng anak
pa•nga•nga•i•lá•ngan 1: anumang kulang o hinahanap, gaya ng pangangailangan sa pagkain o salapi 2: anumang hindi maaaring iwasan o kaligtaan
pa•ngá•nga•la•gà 1: ang pagdudulot ng anumang kailangan para sa kalusugan, kapa-kanan, at proteksiyon ng anuman o sinuman 2: taimtim na ingat at pagsasaalang-alang sa ginagawâ upang maiwasan ang pinsala o panganib
pa•ngá•nga•lu•lu•wá 1: pananapa-tan sa bisperas ng Todos los Santos, inaawitan ng nananapatan ang nása tahanan upang kunwa’y maawa sa kanila na mga kaluluwang naligaw mula sa purgatoryo 2: awit na gina-gamit sa naturang pananapatan.
pa•nga•nga•lu•ma•tá 1: pagkakaroon ng itim na bílog sa paligid ng matá dahil sa kawalan ng tulog 2: pakiramdam nang labis na págod o panlalambot ng katawan dahil sa púyat.
pa•ngá•nga•lum•ba•bà : pagsaló sa babà sa pamamagitan ng palad o nakatikom na daliri, karaniwan kung nakaupô.