pag-ár•te 1: pagki-los at pagsasalita ng isang artista sa tanghalan, pelikula, radyo, at telebis-yon 2: pagkilos o pagsasalita na tíla artista
pá•gas 1: káti1 2: muling paglalaba ng damit pagkatapos ma-lagyan ng sabon 3: paglanggas sa súgat sa pamamagitan ng ugat ng haláman.
pag-á•sa 1: paniniwa-lang tatamuhin ang nais o darating ang hinihintay 2: tao, bagay, o pang-yayaring inaasahang makapagdu-dulot ng nais o lunggati
pa•gas•pás 1: galaw at tunog ng mga dahon kung hinihi-pan ng malakas na hangin 2: kampay ng pakpak na mabilis at walang patlang
pa•gat•pát 1: ibong katamta-man ang lakí (Artamus leucoryn-chus) at kahawig ng langay-langayan na abuhin o itim ang pang-itaas na bahagi ng katawan at putî ang pang-ilalim, agresibo at lumalaban kahit sa malalaking ibon tulad ng banoy 2: punongka-hoy na may bungang hugis igos.