pa•ga•wá•ing-bá•yan : mga proyektong pangmadla, gaya ng pagtatayô ng gu-sali, daan, at iba pang estruktura
pa•gaw•páw 1: pagkakalagay nang labis sa labì ng isang sisidlan 2: daan na lubog na ang mga gilid o tabi dahil sa malakas at matagal na bagyo ngunit litaw pa rin ang gitna.
pa•gay•páy 1: kampay ng mga pakpak kung lumilipad 2: banayad na galaw ng mga dahong hinihipan ng mahinàng hangin
pag•ba•bâ 1: pag-túngo sa ibabâ 2: pagliit gaya sa halaga ng bilihin 3: pagku-kulang sa mga dáting mabubuting katangian 4: pagbabawás ng tindi o init.
pag•ba•bágo 1: paggawâ ng iba sa dati 2: kilos mula sa isa túngo sa kabila 3: paraan upang maging iba o naiiba