pang•ká•ma 1: ukol o may kaugnayan sa káma 2: tumutukoy sa gawain ng púta, o sa anumang kaakit-akit na katangiang pisikal nitó.
pang•ka•pé 1: ukol o may kaugnayan sa kape 2: tumutukoy sa munting halaga na ibinibigay bílang pabuyà.
pang•ka•ré•ra 1: nauukol sa kabayo, bisikleta, kotse, at iba pa na ginagamit sa karera 2: nauukol sa salapi na nakalaang ipusta sa karera.
páng•ka•ta•pu•sán 1: nása huling yugto o bahagi ng isang gawain o akda 2: ukol sa o may kaugnayan sa hulíng araw ng buwan