pang-ú•ring ha•ngò : pang-uring maylapi; salitâng nilagyan ng panlapi upang maging pang-uri hal ma+ganda, ma+hiya+in, mapag+bigay
pang-ú•ring pa•ma•há•gi : pang-uring pamilang na ginagamit upang mailarawan ang isang bagay na binabahagi o hinahati
pang-ú•ring pa•mí•lang 1: likás at payak na anyo ng mga bílang na pinagbabatayan ng tawag at katutu-ran ng ibang uri at paraan ng pag-bílang, hal isa, dalawa, tatlo, at iba pa 2: pang-uri na nagpapa-hayag o nagpapakilála ng bílang
pang-ú•ring pan•la•rá•wan : pang-uri na naglalarawan ng pisikal na katangian ng tao, karakter, galaw, gawi at iba pa
pang-ú•ring pan•tak•dâ : pang-uring pamilang na nagsasaad ng limitado o tiyak na bílang, dami o halaga na wala kundi iyon o hang-gang doon lámang at hindi na makukulangan o madaragdagan pa
pang-ú•ring pá•nu•nú•ran : pang-uri na nagsasaad ng pagkaka-sunod-sunod sa hanay o kalagayan, karaniwang nilalapian ng ika- at pang-, hal ikalima, pang-anim
pa•ngú•si : ritwal sa panliligaw sa lalawigan ng Rizal, na magkasámang nagluluto sa isang tahanan ang binata at dalaga.
pang•wi•sík 1: ka-sangkapang nagpupulandit ng maliit ngunit masinsing patak ng likido 2: kasangkapang ginagamit sa pagba-basbas.