pan•hík 1: pag-akyat sa hagdan o sa itaas ng bahay 2: pag-akyat sa anumang mataas na lugar 3: sa negosyo, pagpasok ng kíta.
pá•ni- : idinidikit ito sa unahan ng ilang salitâng-ugat, kung minsan ay pinangungunahan ng panlaping mag-, at isinasaad ang ibig sabihin ng salitâng-ugat, hal panihalà, pani-búkas.
pa•ni•bug•hô 1: agresibong pagtatanggol o pagbabantay 2: pagkatakot, paghihinala, o pagkagalit at karaniwang nadarama kung may kaagaw sa pag-ibig
pa•ni•bú•los 1: pagtitiwala nang lubos o pagkalu-long 2: ganap na layà sa pagkilos 3: bagong hain ng pagkain hábang kumakain pa.