pa•ra•le•lís•mo 1: ang posisyon o kaugnayan sa paralelo 2: pag-ayon ng direk-siyon o karakter 3: ang pagkaka-ugnay ng bawat isa ngunit walang sanhi ng pagkakaroon ng relasyon o inter-aksiyon
pa•ra•lé•lo 1: magkaagapay at hindi nagtatagpo ang mga dulo 2: magkatulad 3: nangyayari nang magka-sabay
pa•rá•li 1: pahayag na nakasisira sa kapuwa 2: pagmamagaling o paghahambog hinggil sa sariling tagumpay o naabot
pa•ra•líp•sis : paraan ng pagbibigay-diin sa isang paksa sa pamamagitan ng pagsasabi nang kaunti lámang o hindi pagsasabi ng anuman.
pa•rá•li•sís 1: pamamanhid at pagkawala ng kakayahang maigalaw ang anumang bahagi ng katawan 2: kawalan ng kapangyarihan o kabu-luhan
parallax (pá•ra•láks) : kaibhan ng mga posisyon o direksiyon ng mga bagay kung sisipatin o titingnan sa iba’t ibang posisyon.
parallelogram (pa•ra•lé•log•rám) : kuwadrilateral na paralelo at magkapantay ang mga gilid na magkatapat.