pa•ra•án 1: isang uri ng mga hakbangin para matupad o marating ang isang bagay 2: sistematiko at maayos na pag-iisip o plano ng pagkilos
pa•rá•bo•lá : sa heomet-riya, ang set ng mga point na pawang magkakapantay ang layo mula sa takdang linya at takdang point sa isang plane o sa nakapaayong plane
pa•rá•da 1: pagdiriwang na ginagawâ, karaniwang may pagma-martsa, at madalas na may kasámang karosa, banda ng musiko, at iba pa 2: ang pamamalagi o pagtigil ng sasakyan sa himpilan nitó 3: ang buong halagang naipusta, gaya sa sabong
pa•ra•dí•pad 1: pahalang na dingding, yarì sa kawayan, at sumasalalay sa gablete ng bahay 2: tao na padaskol-daskol kung kumilos.