pa•ra•sí•to 1: hayop o halámang nabubúhay o nakatirá sa iba, na pinagkukunan ng pagkain 2: tao na nakatirá o nabubúhay sa tulong ng iba
pá•ra•si•to•lo•hí•ya : sangay ng biyolohiya na tumutuon sa mga parasito at ang epekto nitó sa parasitismo
pá•ra•syút : ka-sangkapang hugis payong, ginagamit upang binbinin o pabagalin ang pagbagsak ng tao o bagay mula sa isang sasakyang panghimpapawid
pa•rá•tang 1: mali at mapaghina-lang paninira 2: negatibong hinala o hinalang walang katibayan laban sa isang tao